Responsive image

GENERAL QUESTIONS


TANONG:
Saan pong lugar nagaganap ang pagbabakuna?
SAGOT:
Sa kasalukuyan ang ating Vaccination Sites ay ang ALBERTO MANSION at SOUTHWOODS MALL.
TANONG:
Maaari ba akong mamili ng Bakuna?
SAGOT:
Kung ano lang po ang bakuna na nagmumula sa National Government sa pamamagitan ng Department of Health (DOH), ay iyon po lamang ang maaari natin gamitin sa araw ng bakuna.
TANONG:
Maaari ba akong mag WALK-IN para sa pag papabakuna?
SAGOT:
Tanging ang mga naka-REGISTER at nakatanggap lamang ng SMS mula sa BiñanCares ang papahintulutang mabakunahan sa ating mga vaccination sites.
TANONG:
Kasama ba ako sa PRIORITY GROUP ng babakunahan?
SAGOT:
Ang PRIORITY GROUP ay ang mga (A1) Health Worker, (A2) Senior Citizen at (A3) Adult with Comorbities (18 to 59 years old).

REGISTRATION


TANONG:
Paano magparehistro para sa Covid-19 vaccination?
SAGOT:
1. Magparehistro online sa COVAC REGISTRATION.
2. I-click ang PRE-REGISTRATION at ilagay ang mga datos na kailangan para makapagparehistro.
3. Hintayin ang Verification code na matatangap thru text message. SIGURADUHING TAMA ANG NUMERO NG INYONG INILAGAY upang matanggap ang text message.

REGISTRATION UPDATE


TANONG:
Maaari ko bang i-update ang aking registration sapagkat may maling detalye akong nailagay?
SAGOT:
1. I-click ang UPDATE REGISTRATION. Ilagay ang iyong Birthday at Verification Code, I-click ang PROCEED. I-update ang iyong registration at I-click ang UPDATE.

VERIFICATION CODE


TANONG:
Para saan ang verification code?
SAGOT:
1. Ito ang gagamitin upang ma-encode ang inyong vaccine record na issubmit sa VaxCertPH (DOH).
2. Ito ang gagamitin upang mabago ang inyong registration details.
TANONG:
Paano makakakuha muli ng VERIFICATION CODE kung ito ay nakalimutan o nawala?
SAGOT:
1. I-click ang REQUEST VERIFICATION CODE.
2. Ilagay ang iyong Birthday at Email kung gusto mong sa iyong registered email ipadala ang iyong verification code.
3. Ilagay ang iyong Birthday at Cellphone Number kung gusto mong sa registered cellphone number ipadala ang iyong verification code.

VACCINATION SCHEDULE


TANONG:
Kailan ang schedule ng aking bakuna?
SAGOT:
• Ang schedule ng pagbabakuna ay nakadipende sa dating ng bakuna mula sa National Government o Department of Health (DOH).
• Sa kasalukuyan ang ALBERTO MANSION ay may schedule tuwing MIYERKULES (8am~2pm) para sa 12 taong gulang pataas. Tuwing BIYERNES para sa mga 5 taon hanggang 11 taong gulang.
• Ang SOUTHWOODS MALL ay may schedule mula LUNES hangang SABADO para sa 5 taong gulang pataas.
TANONG:
Ako po ay nakaschedule ng 2nd dose, kailan po ang aking schedule?
SAGOT:
Ang vaccine card ay ibinibigay sa mga nakatanggap na ng 1st dose kasama ang schedule ng inyong 2nd dose, mangyari lamang na sundin ang nakalagay na schedule sa vaccine card. Ugaliing nakasubaybay sa mga Facebook page ng ating BIÑAN CITY HEALTH OFFICE I at BIÑAN CITY HEALTH OFFICE II para sa iba pang detalye ukol sa inyong bakuna.
TANONG:
Saan po ako magpapabakuna?
SAGOT:
1. Kung ang inyong Barangay ay sakop ng BIÑAN CITY HEALTH OFFICE I, kayo po ay maaaring magpabakuna sa SOUTHWOODS MALL.
2. Kung kayo naman po ay sakop ng BIÑAN CITY HEALTH OFFICE II, kayo po ay maaaring magpabakuna sa ALBERTO MANSION.
TANONG:
Ako po ay hindi nakapunta sa araw ng aking bakuna, ano po ang aking dapat gawin?
SAGOT:
• Kayo ay maaaring magtungo sa vaccination site, ipakita lamang ang inyong vaccination card.
• Kayo po ay makipag ugnayan sa ating BIÑAN CITY HEALTH OFFICE I o BIÑAN CITY HEALTH OFFICE II tungkol sainyong re-schedule date at kung kayo ay pwede nang bakunahan.

VACCINATION RECORDS


TANONG:
Paano po kumuha ng VACCINE CERTIFICATE?
SAGOT:
1. Kayo ay maaaring kumuha on-line, magtungo lamang sa VaxCertPH.
2. Kapag naverify na ang inyong record ay maaari nang idownload ang PDF copy ng inyong certificate.
TANONG:
Hindi ko makita ang record ko sa VaxCertPH? May mali o kulang sa aking record?
SAGOT:
Kayo ay maaaring mag email sa [email protected] ipadala lamang ang litrato nang mga sumusunod:
1. Vaccine card (kuhanan ang buong card ng nalinaw).
2. Passport o anumang Valid ID (dapat mayroong middle name at birthday sa ID).
3. Verification code galing sa BinanCares (SMS).
Maaari ring makipag ugnayan sa nagbakuna sa inyo upang ma-verify kung naencode na ang inyong record.